Don't Let Me Go, Diana

Chapter 5



Chapter 5

"HINDI ako sanay sa mga ganitong uri ng pakikipag-usap lalo na sa isang babae. When I'm with them,

we don't talk. We kiss and make out. Yes, that's my nature, Diana. It's pathetic, I know," parang

nangangapa ng mga tamang salita na sinabi ni Alexis. Naisuklay pa nito ang mga daliri sa buhok.

Naglaho ang bakas ng kompiyansa sa anyo ng binata. At nang mga sandaling iyon, alam ni Diana na

nagsisimula na itong maghubad ng maskara. Alam niya rin na lumipas man ang mahabang panahon,

hindi niya malilimutan ang tagpong iyon, ganoon rin si Alexis. Dahil iyon ang araw na nagbukas ito ng

pinto para makapasok siya sa buhay nito.

Handa na itong magsalita. Handa na itong umamin. At napakalaking bagay niyon para sa kanya.

"I was having the worst day of my life. I was about to question every nasty thing that was happening

around me when I saw you and... heard you that particular day." Sa kabila ng pagkaasiwa sa anyo ni

Alexis, bahagya itong ngumiti. "Mukha kang leon na nakahandang manlapa nang araw na iyon sa

canteen." Natawa ang binata. "Isang leon na nakahandang manlapa para lang sa isang tulad ko. That

was something, Diana. And even now, you're looking at me with that glimmer in your eyes and I begin

to feel a little good about myself. Wala pa akong nakikilalang tulad mo. At hindi ko inakala na sa

dinami-rami ng tao sa mundo, ikaw pa ang masasabihan ko ng mga ganitong salita. Dahil magkaiba

tayo, Diana." Marahas na napabuga ng hangin si Alexis. "Our differences are miles and miles away.

But to hell with those.

"Ngayon, aaminin ko na. Kailangan ko ng isang tulad mo." Matiim siyang tinitigan nito. "Kailangan kita This belongs to NôvelDrama.Org - ©.

sa buhay ko. The past days I spent with you were probably the most serene days I ever had. And I

want to keep holding on to that serenity."

Heart, please. Stay put, naisaloob ni Diana nang kumabog ang kanyang dibdib. Mag-iisang buwan na

rin ang nakalilipas mula nang insidente sa canteen. Simula niyon, para bang nagkaroon na sila ng lihim

na kasunduan ni Alexis na magkita araw-araw sa field tuwing tapos na ang klase. Hindi ito masyadong

nagsasalita pero hindi siya nagrereklamo. Pareho silang mahihiga sa damuhan. May earphones parati

ang binata na nakasalpak sa mga tainga nito. Ibinibigay nito sa kanya ang kabila pagkatapos ay

tahimik silang makikinig ng musika.

Parati mang nagwawala ang puso ni Diana tuwing nakikita si Alexis, hindi na siya nakakaramdam ng

pagkailang. Parati din itong may paraan para i-welcome siya sa kabila ng pagiging tahimik nito. It was

always his smile. Parati itong nauunang dumarating sa field. Alas-cuatro y medya ng hapon natatapos

ang kanyang klase habang nauuna namang matapos ng tatlumpung minuto ang klase ni Alexis.

Tuwing dumarating siya, parang relieved na ngumingiti ang binata. At ang mga ngiting iyon ang

kumukumpleto sa araw niya.

Pero kakaiba ang naging daloy ng hapon na iyon. Dahil sinundo siya ng binata sa kanyang classroom

mismo pagkatapos ay dinala siya sa isang French restaurant hindi kalayuan sa Saint Gabriel Academy.

Sa kotse na nito siya sumakay habang nakasunod naman sa kanila ang sasakyan kung saan naroroon

ang mga bodyguards niya. Sa buong duration ng pananatili nila roon, halos hindi niya magawang

kumain nang maayos sa paghihintay ng mga posibleng sabihin ng binata.

Sadyang napakamisteryoso ni Alexis. Mahirap hulaan kung anong nilalaman ng isip at puso nito na

parang kadalasan pang magkasalungat. Dahil madalas silang nakikita na magkasama ng binata,

madalas rin silang sentro ng usap-usapan sa campus. Pero balewala na iyon kay Diana dahil wala

naman silang tinatapakang tao. Bukod pa roon, hindi na kasing-barumbado gaya noon si Alexis.

Mukhang nag-retire na ito sa pagsabak sa iba't ibang gulo. Wala na ring ibang babae na makikitang

kasama nito maliban sa kanya. At ipinagmamalaki niya ang bagay na iyon.

Ayaw ni Diana na isiping siya ang dahilan sa likod ng mga pagbabago ni Alexis. Sa ngayon, kuntento

na siya dahil kahit sa faculty ay wala na siyang naririnig na negatibo tungkol sa binata. Ayon kay

Laurice na parating nangunguna sa pagkalap ng mga impormasyon, binigla daw ni Alexis ang mga

professor nito sa ipinapakita nitong talino sa klase. Wala namang duda na matalino talaga si Alexis.

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga nakasabit nitong medalya nang minsang ihatid niya ito sa

bahay nito. Sadyang nagrebelde nga lang ang binata.

Sumama ang loob ni Laurice sa paglilihim niya tungkol sa mga naging pagkikita nila noon ni Alexis

pero maayos na sila nito ngayon. Hindi na daw ito tumututol sakali mang magkaroon sila ng relasyon

ng binata dahil kahit si Diana ay wala naman nang nakikitang dapat tutulan ngayon. Iyon nga lang,

mukhang malabo ang relasyong sinasabi ni Laurice, until she heard Alexis' words...

Malakas na tumikhim ang binata. "You see, I never had somebody in my life before. At bago sa akin

ang ganitong bagay. Pero gusto kong subukan. Will you be my..."

"Your what?" Hindi na nakapagpigil na sinabi ni Diana nang hindi agad madugtungan ni Alexis ang

mga salita nito. Napuno ng anticipation ang kanyang puso.

"Will you be my friend? My best friend?"

Pakiramdam ni Diana, bigla na lang hinila pababa ang puso niya. Bumulusok iyon kasabay ng lihim na

pangarap niya... Napayuko siya. Pagkakaibigan lang ang inaalok sa kanya pero ang mapaghangad na

puso niya, humihiling mang higit pa.

Dahil kahit anong pigil ni Diana, na-in love na siya kay Alexis Serrano.

Hindi niya alam kung kailan eksaktong nagsimula. Siguro, nang unang pagkakataong nakita niya ito sa

kabila ng pagiging arogante nito. Pwede ring nang mismong dinala siya ni Alexis sa field at nakita niya

ang sakit sa mga mata nito dahil nang mga oras ding iyon, pakiramdam niya, kaya niyang gawin ang

lahat maalis lang ang paghihirap nito. Posible ring nang nagkita sila sa canteen at ikinulong siya nito sa

mga bisig nito, o noong panahong tinatanaw niya ito mula sa malayo, o kaya nang araw-araw niya na

itong nakikita at nakakasama.

Hindi gaya ng iniisip ni Alexis, hindi ito mahirap mahalin.

"Diana?"

Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at pilit na sinalubong ang mga mata ni Alexis. Ngumiti siya

rito. Kailangan siya ng binata. Kailangan nito ng pagdamay niya, ng tulong niya. Sino siya para ipagkait

iyon nang dahil lang sa idinadaing ng puso niya?

"Of course, I will be your best friend, Alexis." I could be more than that if you will only ask me to, Alexis,

sinikap itago ni Diana ang hapding nararamdaman. Iilang mga salita lang ang binitiwan niya pero

pakiramdam niya, sinasakal na siya. Ang mga iyon na yata ang pinakamahihirap na salitang lumabas

sa bibig niya.

A friendship between a man and a woman always build an invisible wall. Iyong uri ng distansya na kahit

gusto mong sumige pa, ang pader na ang mismong magsasabing sa 'yong, "tama na, hindi na pwede.

Hanggang dyan ka na lang." Kung nagkataong matapang lang siya ay pwede niya sanang akyatin na

lang ang pader. Pero natatakot siyang salubungin ni Alexis sa kabilang panig at pabalikin sa kanyang

orihinal na pwesto.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.