Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 3: Ang malungkot na nakaraan



"KUMUSTA?" Agad na bati ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli sa bar.

"Ok lang, balita ko may inuwi kang babae nakaraang linggo?" bahagyang ngumiti sa kausap ang babae.

"Ah, hindi ko kilala iyon." Napakamot sa batok na sagot ni Yosef.

"Ikaw ha, sobrang hilig mo sa babae baka magkasakit ka niyan ng H. I. V." Sermon nito sa binata.

"Hindi iyan, maingat ako."

"Sana lang ay magbago ka kapag natagpuan mo na ang babaeng alayan mo ng iyong pangalan." Malungkot na wika ni Blue.

"Bakit ba tungkol sa ganyan ang pinag-uusapan natin?" nailang bigla ang binata. "Maiba tayo, pumayat ka yata?" Sinuri nito ang pigura ng dalaga.

"Stress lang sa trabaho kaya pumayat. Hindi rin ako magtatagal dahil malayo ang uuwian ko ngayon."

Nakaramdam ng pagkadismaya si Yosef, gusto pa sana niyang makipagkwentohan sa dalaga.

"Ihatid na kita kung gusto mo?" alok nito sa huli.

"No need, but thanks! Kasama ko ang driver ko."

Kahit nakangiti ang dalaga ay nababanaag niya ang lungkot sa mukha nito. Gusto niya sanang alamin at baka makatulong siya ngunit nagmamadali itong nagpaalam.

...

"TUMAWAG ang kapatid mo."

Natigil sa pagpasok sa kanyang silid si Marie nang marinig ang tinig ng Ina.

"Wala ka ba talagang balak ipaalam sa kanya ang kalagayan mo, Anak?" Malungkot na tanong ni Lydia nang hindi magsalita si Marie.

"Hindi ko po kayang makita siyang nasasaktan, Mom!" hindi lumilingon na tugon sa Ina. Mabigat ang mga hakbang na tumuloy sa kanyag silid at nakayukong umupo sa gilid ng kama.

Naawa na sinundan ito ni Lydia, siya ang nasasaktan higit kanino man. Halos maubos na ang kaunting kayaman nilang mag-asawa sa pagpagamot dito ngunit parang wala ng lunas ang sakit nito sa ulo. Nakuha nito ang sakit nito noong maliit pa sa hindi niya alam na dahilan. May namuong dugo malapit sa utak nito at hindi basta maoperahan ito dahil humina na rin ang katawan. Nagkaroon ng komplikasyon at maging ang ibang parte ng katawan nito ay naapiktuhan. "Lalo siyang masasaktan kapag sa huli na niya malaman, Anak. Aam mo kung gaano ka niya kamahal!"

"Hindi ko po kaya na makita siyang umiiyak, Ma. Lalo lang po akong mahihirapan na dalhin ang sakit ko pati ang bigat ng kalooban!" Umiiyak na tugon nito sa kinikilalang ina.

"May awa ang Panginoon, Anak! Huwag ka mawalan ng pag-asa! Lumaban ka hindi lang para sa amin ng Papa mo kundi para na rin sa iyong kapatid!" Humagulhol na rin ng iyak ang ginang habang yakap ng mahigpit si Marie. Pinainum niya ito ng gamot nang biglang kumirot muli ang sakit sa ulo. Hilam ng luha ang pisngi ng dalaga na nakatulog. Kinumotan ito ng ginang matapos punasan ng palad ang basang pisngi ng anak. Taimtim ang dasal na sana ay magkaroon ng milagro para sa anak na may malubhang sakit.

....noveldrama

"MABUTI naman at tumawag ka!" himig nagtatampo na wika ni Divine nang tumawag ang kapatid.

"Ate!" Pinasigla ni Marie ang kanyang boses.

"Oh bakit masaya ka yata?" Nakangiti habang kausap ang kapatid.

"Nagkita po kami kagabi!" Kinikilig na tugon nito.

"Divine Marie! Sinasabi ko sa iyo noon pa, hindi ko siya gusto para sa iyo! seryosong sita nito sa kakambal.

"Ate naman, akala ko ba ay love mo ang lahat ng love ko?" parang bata na tugon nito at alam ni Divine Joy na nanunulis ang nguso ng kapatid mula sa kabilang linya ngayon. "Mahal ko ang mga mahal mo sa buhay maliban sa lalaking iyon!" seryoso pa rin si Joy.

"Ate please, give him a chance? Magbabago din siya sa tamang panahon. Kapag nakausap mo siya ng sarilinan at makilala ang pagkatao niya, baka ma fall ka rin sa kanya."

"Tumigil ka Marie! Alam mo ang pangarap ko sa buhay. Pinagbigyan lamang kita sa hiling mo na ito dahil gusto ko rin na kilalanin ang lalaking napusuan mo. Habang maaga ay kalimutan mo na siya dahil hindi ko siya gusto at masasaktan ka lamang sa kanya."

Dinig ni Joy na napabuntonghininga ang kapatid at hindi na ito muling nagsalita upang ipagtangol ang lalaking gusto nito. Bigla siyang nakunsensya nang maramdaman na nalulungkot ito.

"Nasaan ka ba ngayon at hindi ka nagpapakita sa akin? Miss na kita, twin!" paglalambing nito sa huli upang hindi na magtampo sa kanya dahil sa pag-ayaw sa lalaking crush umano nito.

"Nasa probinsya ako ate kasama si Mama. Sobrang miss na rin po kita, kapatid ko!" namamalat ang lalamunan na tugon ni Marie. "May sakit ka ba?"

"Huh? Wala ate, medyo malamig ang klima dito kung kaya parang sisipunin ako." Mabilis na pagkaila ni Marie sa kapatid. "Uminom ka agad ng gamot!"

"Tapos na po! Ahm ate, pwede makahingi pa ng isang pabor sa iyo?" nag-aalinlangan na tanong ni Marie sa kapatid.

"Kung tungkol sa lalaking iyon ay huwag mo nang ituloy." Tila nabasa nito ang isip ng kapatid.

"Ate please?" Malambing na pakiusap ni Marie sa kapatid at bahagya pang umubo.

"Ano ba ang nakikita mo sa manyak na lalaking iyon at para kang tuta na bumubuntot doon?" Iritableng tanong niya sa kapatid.

"Ate.. kasi may usapan kami na magkikita kami bukas sa lugar na lagi namin pinupuntahan. Baka po pwede ikaw muna ang pumalit bilang ako dahil parang tatrangkasuhin ako ngayon." Pinalungkot pa nito ang boses at umubo muli. "Last na ito, maliwanag?" Napilitang umoo si Joy. Sobrang mahal niya ito at hindi kayang paghindian. Alam din niya na lahat ng paborito niya ay ginagaya nito tulad ng kulay. Maging ang kanyang pangalan ay ginamit din nito sa pag-apply sa trabaho. Wala namang problema sa kanya, ang ayaw niya lang na ginagawa nito ay halos wala nang itira sa sariling sahod sa trabaho dahil nilalagak nito sa pundo ng kumbento at sa kanya.

"Thank you ate ko!" masayang wika nang nasa kabilang linya.

Binigay agad sa kanya ang instructions kung ano ang dapat gawin at kung saang lugar. Bigla pang lumaki ang ulo niya nang malaman na sa bar ang mga ito nagkikita palagi. Magkamukha sila ni Devine Marie at iilan lang ang nakakaalam na may kambal ito at siya iyon. May umampon na mag-asawa sa kaniyang kapatid noon at siya ay naiwan sa kumbento. Ngunit hindi sila nawalan ng communication ng kapatid at lalong tumibay ang kanilang relasyon bilang magkapatid. "Humanda ka sa akin na lalaki ka!" ang naibulong sa sarili ni Joy. Kung mukha lang ang pagbabasihan ay wala sila pinagkaiba ni Marie. Kung kaya nitong gayahin ang istelo niya sa pag aayos sa mukha at damit ay kaya niya rin gayahin ito. May ngiti sa labi na ibinaba ni Marie ang telepono matapos ang pag-uusap nila ng kakambal.

"Sorry Ate, ginagawa ko ito para sa iyo. Gusto ko na nasa maayos at masaya ka sa iyong buhay bago kita iwan sa mundong ito." Muling tumulo ang luha habang tinititigan ang larawan nilang magkapatid noong magkasama pa sila sa Kumbento.

Napapikit siya at inalala ang panahon kung paano sila magkasama na magkapatid at napadpad sa lansangan. Limang taon lamang sila noon nang basta na iwan ng kanilang madrasta sa isang kalye dahil hindi umano sila kayang buhayin pa. Patay na ang kanilang tunay na ina nang isilang sila at ang ama ay nag-asawa muli. Namatay din ito dahil sa aksidente kung kaya basta na sila itinapon sa kalye ng madrasta.

"Huwag ka nang umiyak at matakot, nandito si Ate at hindi kita iiwan!" Gumanti si Marie ng yakap sa kapatid na pilit nagmamatapang para sa kaniya.

Parehong umiiyak silang dalawa na magkayakap sa isang madilim na sulok. Ang dungis na nila dahil maghapon naglalakad sa paghahanap ng daan pauwi sa kanilang bahay. Ang natandaan lang nila ay sumakay sila ng bus at bumeyahe ng mahabang oras. May nagbibigay sa kanila ng pagkain kapag humingi at naawa ngunit walang may gustong kumupkop sa kanila.

"Ate, baka po may momo dito!" Nanginginig sa takot na wika ni Marie.

"Magdasal tayo!"

Sa murang edad ay matalas na ang kanilang isip lalo na si Joy. Malakas ang pananalig sa itaas na siyang turo sa kanila ng ama noong nabubuhay pa ito.

Kinabukasan ay naglakad muli sila hanggang napadpad sa isang kumbento ng mga madre. Naawa ang mga ito nang makita sila at kinupkop. Sila ang kauna-unahang bata na kinupkop nang naturang Kumbento. Naging maayos ang mga unang buwan nilang pagtira sa kumbento hanggang sa inabot ng marami pang taon. Ngunit isang araw ay kinausap sila ng mother superior.

"Mga Anak, may gustong mag ampon ng bata na mag-asawa, papayag ba kayo kung isa sa inyo ay kunin nila?" kausap sa kanila ni Mother Theresa, sampong taon na sila ng mga panahong iyon.

"Hindi po ba pwede na dalawa kami ni Ate ang kunin nila?" malungkot na tanong ni Marie. Ayaw niyang mapawalay sa kapatid at umalis sa tahanang iyon ngunit kailangan dahil kinakapos sa badget ang Kumbento at malaki na rin sila. Kailangan nila umano lumabas na ng tahanan at mamuhay ng normal sa labas bilang isang mabuting mamayan.

"Hindi ganoon kayaman ang mag-asawa mga anak. Wala silang kakayahang magkaroon ng sariling anak kung kaya naisip nilang mag-ampon.

"Si Marie na lang po ang ibigay niyo, Mother!" sabat ni Joy, sakitin ang kanyang kapatid at kailangan nito maipagamot palagi. Marahil ay dala ng pamamalupit ng kanilang madrasta noon.

Lagi silang sinasaktan at nakita pa niya nang iuntog ang ulo ng kapatid sa isang upuan. Kahit bata pa ay nakaramdam ng galit noon si Joy sa madrasta at kinagat sa binti ito kung kaya napagpalo din siya ng husto. Hindi na niya matandaan ang mukha ng madrasta ngayon at kung saan sila dati nakatira.

"Ayaw ko ate, paano ka?" Umiiyak na umiling si Marie.

"Makakabuti sa iyo ang manirahan sa labas Marie. Nandito lang naman ako." Nakangiti na inalo niya ang kapatid.

"Huwag ka nang malungkot, hindi naman malayo ang tinitirhan ng aampon sa iyo. Kausapin natin sila na kung maari ay payagan kang dumalaw palagi dito sa iyong kapatid!" ani Theresa na nalulungkot din na mapawalay sa kanila ang isa nilang ampon.

Nang araw ding iyon ay isinama ng mag-asawa si Marie. Mababait ang mga ito kung kaya napanatag na rin ang loob ni Divine Joy. Tuwing linggo ay dumadalaw si Devine Marie sa kapatid at may pasalubong palaging dala. Kahit nagkahiwalay ay updated sila sa buhay ng bawat isa lalo na sa buhay ni Marie sa labas ng kumbento.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.