Chapter 2
Chapter 2
ILANG sandaling natigilan si Dean bago dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ni Selena. Lumuhod
siya sa harap ng dalaga at marahang pinahid ang mga luha nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang
pagdaan ng pagkasorpresa sa napakagandang mukha nito bago ito muling napaluha.
Mag a-alas dyes na ng gabi. Kung tutuusin ay hindi na kasama sa trabaho ni Dean ang magpatahan
ng girl friend ng may girl friend. Napakarami niya pang kailangang asikasuhin, napakarami niya pang
kailangang intindihin. Pero hayun siya. Pwede naman sana siyang tumanggi sa mga ganoong utos sa
kanya ni Adam kung gugustuhin niya. Sa bagay na iyon ay siguradong kahit paano ay mauunawaan
siya nito. Pero hindi niya magawang tumanggi.
Because deep inside, he wanted to see Selena.
Kilala niya na ang dalaga. Sa palagay ni Dean ay mas kilala niya pa nga si Selena kaysa sa sariling
fiancé nito. Alam niyang naghihintay ang dalaga sa townhouse nito. Kinailangan niya pang ipaalala
iyon kay Adam bago umalis ang huli sa opisina kasama si Annie, ang executive secretary nito, papunta
sa dinner meeting ng mga ito sa isa sa mga prospective clients nila habang siya naman ang humarap
sa isa pang meeting na may kinalaman sa mga tauhan ng kompanya.
Halos kauuwi lang ni Dean sa sarili niyang apartment nang tumawag si Adam at pinapupunta siya sa
townhouse ni Selena dahil hindi na raw ito aabot pa sa birthday ng dalaga. Babalik pa raw ito sa
opisina para i-review ang ilang dokumento kaya gaya ng dati ay siya na raw muna ang bahala. Wala
nang sali-salita pa. Ni hindi na siya nakapagbihis. Nagmaneho na agad siya papunta sa bahay ni
Selena.
Alam ni Dean na kahit pa hindi sinasabi ni Adam ay siya lang ang pinagkakatiwalaan nito pagdating sa
naiibang relasyon nito kay Selena. Dahil isang malaking palabas lang ang pagiging perpektong
magkasintahan ng dalawa sa mga mata ng mapanuring publiko sa tuwing may mga okasyon lalo pa at
may kinalaman sa kompanya. He should know. Dahil si Dean ang parating to-the-rescue para
gampanan ang papel ni Adam sa tuwing nali-late ito sa date nito kay Selena o sa tuwing hindi na ito
nakakapunta pa.
And all those times, he would watch Selena suffer in silence. And he would often wonder what made
her hold on this long. Dahil hindi karapat-dapat na paghintayin ang dalaga. Hindi ito karapat-dapat na
paasahin. Lalong hindi ito karapat-dapat na saktan ninuman. Kaya hangga’t kaya niya ay siya ang
pumupuno sa mga pagkukulang ni Adam. Pero alam niyang kahit kailan ay hindi iyon sasapat.
Dahil hindi naman siya ang lalaking minamahal nito.
Napahugot si Dean ng malalim na hininga. Bakit hindi ka pa nadadala, Selena? Ilang taon ka nang
nasasaktan. Bakit hindi mo subukang buksan ang mga mata mo kahit minsan? Na kay Selena na ang
lahat ng mga katangiang papangarapin ng sinuman. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit sa kabila
ng katotohanang ikakasal na ito kay Adam ay marami pa rin siyang napapansin na nagpapalipad-
hangin sa dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi iyon makita-kita ni Adam.
Isang matagumpay na fashion designer si Selena. Bukod pa roon ay taglay nito ang pinakamagandang
mukhang nakita ni Dean sa buong buhay niya. Nagmula ang dalaga sa isa sa pinaka-prominenteng Owned by NôvelDrama.Org.
angkan sa buong bansa. Ang mga bagay na iyon ay sapat na para mahumaling rito ang karamihan.
Pero hindi iyon ang mga dahilan kung bakit napabilang siya sa listahan ng mga nabihag ng dalaga.
Because ever since, there was more to her.
Oo, nabihag na si Dean ni Selena mula pa noong mga bata sila. Ang ngiti nito ang unang umangkin sa
puso niya kung paanong ang mga luha rin nito na para kay Adam ang siyang sumugat sa kanya.
Selena’s tears were the reason for his first heartbreak. Lihim niya na itong minahal mula pa noong una
niya itong makita sa mansyon ng mga Trevino, ang mansyon ng pamilya ni Adam na sa malas ay
kinabibilangan niya rin.
“Nobody will ever take it against you should you ask to be loved in return, Selena. Lalo pa at
napakatagal mo nang minamahal si Adam. Hindi iyon pagiging makasarili. Dahil kapag nagmamahal
ka, natural lang na hangarin mong mahalin ka rin ng taong iyon lalo pa sa kaso nyo ni Adam dahil
ikakasal na kayo.” Marahang wika ni Dean pagkaraan ng ilang sandali. “Walang problema sa ‘yo.” At
kahit kailan, walang magiging problema sa ‘yo. Ang problema ay iyon mismong taong minamahal mo.
“Maganda ka.” Heck. Simula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin ang pinakamagandang babaeng
nasilayan ko sa buong buhay ko. How he wished he could say that without having to edit his words.
Pero hindi pwede. Bahagyang ngumiti si Dean. “You are the most beautiful birthday celebrant I’ve ever
seen.”
Napasigok ang dalaga. “God… Dean. Sana… sana naging si Adam ka na lang.”
Simula sa gabing iyon ay siguradong tatatak na sa isipan ni Dean ang mga sinabing iyon ni Selena.
Dahil sa dami ng mga pagkakataon sa buhay niya na nasaktan siya, ngayon niya pinakanaramdaman
ang pag-inda ng puso niya. Pero sinikap niya pa ring ngumiti. “Sana nga, Selena. Sana nga.”
Sa pagkabigla ni Dean ay yumakap sa kanya ang dalaga. Naikuyom niya ang mga kamay para pigilan
ang mga iyong gumanti ng yakap rito. Lahat ng gusto niyang gawin at sabihin ay hindi na pwede. Mga
bata pa lang sila ay alam niya na ang limitasyon niya. Maaga siyang namulat sa realidad ng buhay.
Isang kasalanan ang maghangad na gumanti ng yakap kay Selena. Lalo pa at walang kontrol si Dean
pagdating sa puso niya. Lalo pa at nagsusumigaw ang katotohanang ang babaeng nakasandal sa
kanyang dibdib ngayon kahit pa sabihing lumuluha iyon ay ang mismong babaeng nakatakdang
pakasalan ng kanyang kapatid.
Sayang. Sayang at puro ang pagluha mo ang nasasaksihan ko. Habang puro ang pagngiti mo naman
ang nakikita niya.
WALANG tigil sa pagpatak ang mga luha ng labing-anim na taong gulang na si Selena habang
nagmamadali siyang makalabas ng mansyon ng mga Trevino. Halos hindi siya makahinga sa sobrang
paninikip ng dibdib. Nahuli niya si Adam na may kahalikang babae sa mismong kwarto nito. Sa
pagmamadali siguro nitong magawa ang mga gusto nitong gawin sa babaeng iyon ay ni hindi na nito
naalalang mag-lock ng pinto.
Dahil nanlalabo na ang mga mata ni Selena sa pagluha ay hindi niya na napansin ang dinaranan.
Natapilok siya at bumagsak ang pang-upo sa sementadong daanan hindi kalayuan sa hardin. Lalong
lumakas ang kanyang paghikbi. “I hate you, Adam. I hate you so much!” Basag ang boses na wika niya
sa kawalan. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanyang kasambahay.
Bakit hindi pa siya nagawang hintayin ni Adam? Paano pa nito nagawang mambabae? May usapan na
ang kanilang mga magulang na ipakakasal sila sa isa’t isa pagtuntong niya ng bente-singko. In-
annouced pa nga iyon ng kanilang mga magulang noon mismong ginanap ang selebrasyon ng birthday
niya noong nakaraang linggo. Wala namang narinig si Selena na pagtutol sa bahagi ni Adam.
Nakangiti pa nga ang binata sa lahat kasabay ng pangako nito sa kanyang ama na iingatan siya nito.
At pinanghawakan niya iyon dahil hindi pa siya teenager ay gusto niya na ang binata.
Umasa si Selena sa pangako ni Adam pero ano itong nasaksihan niya ngayon? Pinaalalahanan na
siya noon ng kanyang ina. Tanging ito lang ang tutol sa nakatakdang pagpapakasal niya kay Adam
pagtuntong niya sa tamang edad. Pero ang ama niya pa rin ang nasunod, isang bagay na hindi naman
naging issue sa kanya dahil na rin sa malaking pagkakagusto niya sa binata.
Kasundo rin ng kanyang ina ang mga Trevino pero hindi kaila sa kanya na hindi nito gaanong gusto si
Adam para sa kanya. Lalo pa at mas matanda ang huli sa kanya ng apat na taon. May mga
pangangailangan na raw ang binata na hindi niya pa kayang ibigay at sa oras na hingin raw nito sa
kanya ay huwag na huwag niyang ibibigay.
Ang pakikipaghalikan ni Adam sa babaeng nakita ni Selena, iyon ba ang sinasabi ng kanyang ina na
pangangailangan ng binata? Kung ganoon ay napaka-unfair naman ni Adam. Bakit pa ito naghanap ng
iba? Pwede niya naman iyong ibigay rito.
“’Wag kang magagalit, ha? Best friend kita kaya ko ‘to sasabihin sa ‘yo. I saw Adam kissing someone
else yesterday, Selena. Nakita namin siya ng sister ko sa parking lot ng isang mall. Doon siya
nakikipaghalikan. Of course, you’re prettier than the girl. And honestly, disappointed ako kay Adam.
The girl he was kissing looked like a flirt to me.” Naalala bigla ni Selena na wika ni Chynna sa kanya,
ang huli ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa mansyon ng mga Trevino nang hapon na iyon para
kwestyunin sana mismo si Adam.
Pero hindi na pala kailangan. Saka kung sakali ay magagawa nga ba ni Selena na tanungin si Adam
samantalang ni hindi nga siya nakapagsalita kanina nang maaktuhan niya ito sa kwarto nito?
“Ito pa. ‘Wag ka uli magagalit. But I really think he’s not into you, Selena. Ni hindi nga siya nag e-effort
na manligaw sa ‘yo ‘di gaya ng mga suitors mo sa campus. Ni hindi ka rin niya inihatid ni minsan
papasok o pauwi man lang.”
“May driver naman kasi kami.” Defensive na sagot ni Selena.
Pinandilatan siya ni Chynna. “Iyon lang ang excuse niya? Paano ‘pag ikinasal na kayo? Dahil may
driver nga kayo, mga katulong at kung ano pa, kahit minsan, ‘di ka na niya pagsisilbihan? Aminin mo
na, Selena. Walang kusa pagdating sa ‘yo si Adam. At ‘wag mo ‘kong sisimangutan ng ganyan. I have
the right to say this. I’m your best friend, remember?”
Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit naghanap pa ng ibang babae si Adam? Dahil… hindi talaga
siya ang gusto nito? Ayaw tanggapin ni Selena ang bagay na iyon noon kahit pa nararamdaman niya
na iyon. Pero ngayon… Muli siyang napaluha.
Mayamaya ay natigilan si Selena nang makakita ng isang asul na panyo sa kanyang harap. Hindi
nagtagal ay mayroon siyang nakitang binatilyo na lumuhod sa harap niya. Sa ilang beses na
pagpapabalik-balik niya sa mansyon ng mga Trevino ay noon niya pa lang ito nakita. Hindi ito gaya ni
Adam na sa tuwing nakikita niya ay parating pormal ang suot. Kung hindi long-sleeves ay naka-
amerikana ang huli lalo pa at tini-train na ito ng ama nito sa pagpasok sa ATC o Avila-Trevino
Corporation kung saan business partners ang kanilang mga ama.
Ang suot ng binatilyo sa harap ni Selena ay simple lang. Kupas na maong na pantalon, puting t-shirt at
rubber shoes. Pero malinis at presko itong tingnan. Mestizo ito at matangkad na gaya ni Adam kahit pa
sa palagay niya ay mas matangkad pa rin si Adam. Nang ngumiti ang binatilyo ay lumitaw ang dimple
nito sa kaliwang pisngi.
“You shouldn’t be crying.” Palakaibigang wika ng binatilyo.
“Why?” Namamaos pang sagot ni Selena bago niya tinanggap ang inaalok nitong panyo.
“Because for some reason, it affects me. At sa tingin ko, gano’n rin ang mararamdaman ng ibang
makakakita sa ‘yo ngayon. Maaapektuhan rin sila na gaya ko.”
Kumunot ang noo ni Selena. “Why?”
Lumawak ang pagkakangiti ng binatilyo. “Kung ikaw ba naman ang makakita ng isang anghel na
umiiyak, hindi ka maaapektuhan?”
“I just had the best meal of my life. Thank you, Selena.”
Nahinto sa pagbabalik-tanaw si Selena nang marinig ang mga sinabing iyon ni Dean. Ang binata ang
siyang kumain ng mga iniluto niya. Nang alukin niya ito ay walang pag-aatubiling umoo ito. Tamang-
tama raw dahil hindi pa ito nakakapaghapunan nang puntahan siya nito. Kahit malamig na ang mga
pagkain ay wala siyang narinig na reklamo mula rito.
At kahit pa pinigilan ni Selena si Dean ay ito pa mismo ang naglinis ng binasag niyang flower vase. Ito
na rin ang nagboluntaryong magligpit ng mga pinagkainan nila. Nila. Dahil nang alukin siya nitong
sabayan ito, sa kung anong dahilan ay hindi niya ito nagawang tanggihan. Dala na rin siguro ng hiya
niya sa pang-aabala rito. Bukod pa roon ay nakakahawa ang gana nito sa pagkain na para bang
totoong nasarapan ito sa mga iniluto niya.
And now Dean was preparing to leave.
“Kailangan ko nang umalis. Again, happy, happy birthday, Selena-”
“You really mean it?”
“Iyong pagbati ko sa ‘yo?” Amused na tanong ng binata. “Oo naman-“
“Hindi. Iyong tungkol sa luto ko. Was it really the best meal you’ve ever had? Can you indulge me
some more? After all, it’s still thirty-six minutes before my birthday ends.”
“Wait here.”
Sa pagkagulat ni Selena ay para bang hinahabol ng kung anong lumabas si Dean ng bahay niya. Gulat
siyang naiwan sa sala. Hindi nagtagal ay bumalik ang binata. Sa pagkakataong iyon ay may dala na
itong isang nakakwadradong bagay na simple lang ang pagkakabalot. Ni wala iyong ribbon o card.
Imbes na iabot sa kanya ay isinandal iyon ng binata sa tabi ng kanyang divider.
“I don’t know if I’m allowed to give you gifts. Lalo pa at fiancée ka ni Adam. Kaya nag-aalangan akong
ibigay ‘yan sa ‘yo kanina. Pero sayang naman ang libreng pagpapakain mo sa akin kung wala ka man
lang matatanggap na regalo.” Nagkibit-balikat si Dean. “Sana ‘wag mong isauli sa akin ‘yan. Sa tuwing
nalulungkot ka o sa tuwing pinagdududahan mo ang sarili mo, tingnan mo lang ‘yan. May that remind
you of who you really are.” Ngumiti ang binata na siyang nagpalitaw muli sa dimple nito. “Hindi ako
nagsisinungaling. I truly enjoyed the meal.
“Matagal-tagal na rin simula nang huli akong makatikim ng lutong-bahay. It made me miss someone
dear to me. Kaya malaking bagay sa akin ito. I’m just sorry I’m not Adam. But believe me, kung naririto
siya ngayon, he would have loved the meal as well.” Lumapit sa couch na kinauupuan ni Selena ang
binata at marahan siyang hinagkan sa pisngi. “Happy twenty-fifth birthday, princess.”
Hindi na nakapagsalita pa si Selena hanggang sa umalis si Dean. May hatid na kung anong init sa
puso niya ang ginawa nito kahit ang pagtawag nito sa kanya ng princess na ngayon lang nito ginawa.
Wala pang tumawag sa kanya ng ganoon maliban sa kanyang ina.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon ipinagpasalamat ni Selena na si Dean ang siyang
nakasalo niya sa gabing iyon ng kanyang kaarawan at hindi si Adam. Dahil hindi niya alam kung
mararamdaman niya rin ang ganoong init sa puso niya kung si Adam ang nakasama na mga bata pa
lang sila ay sinasaktan na ang damdamin niya. Baka sa huli ay sumama pa ang loob niya o may
masabi pa ang binata para dagdagan ang rejection na nararamdaman niya. With Dean, at least, she
felt appreciated.
“Matagal-tagal na rin simula nang huli akong makatikim ng lutong-bahay. It made me miss someone
dear to me.” Naglaro sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Dean habang nakatitig siya sa iniwan nitong
regalo. Mula noon hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya sa binata.
Ang pagkakaalam ni Selena ay dalawang taon lang ang tanda sa kanya ni Dean. Sa mansyon din ng
mga Trevino ito nakatira dahil ampon ito ng mga magulang ni Adam na katulad niya ay nagkataong
nag-iisang anak. Disiotso na ito nang legal itong ampunin ng mga Trevino. Hindi pa naging maganda
ang unang pagkikita nila dahil umiiyak pa siya nang makilala nito.
Mula’t sapul ay mabait na si Dean sa kanya kahit pa napapansin niyang parati itong naglalagay ng
distansya kina tita Leonna at tito Bernardo na ngayon ay mga magulang na rin nito. Pormal rin ang
pakikitungo nito at ni Adam sa isa’t isa. Hindi alam ni Selena kung saan nagmula ang binata. Bigla na
lang itong lumitaw sa buhay ng mga Trevino. Nakapagtataka raw iyon ayon sa kanyang mga magulang
na isang araw ay bigla na lang naisipang mag-ampon ng mga ito nang hindi ipinapaalam nang mas
maaga sa kanyang ama na siyang matalik na kaibigan ng pamilya Trevino.
Nakapag-aral si Dean sa isang prestihiyosong Unibersidad na gaya mismo ng pinasukan ni Adam. Iisa
ang course na kinuha ng mga ito at pareho pang nagtapos ng pag-aaral taglay ang pinakamataas na
karangalan. Kaya kahit si Selena ay nabigla nang isang Executive Assistant lang ni Adam ang naging
trabaho ni Dean sa kompanya.
Hindi sa minamaliit ni Selena ang trabahong iyon pero mula nang makapasok si Dean sa kompanya ay
iyon na ang naging trabaho nito roon samantalang kung tutuusin ay may kakayahan itong humawak ng
ibang department o kaya ay mamuno sa iba pang negosyo na nakapailalim sa Avila-Trevino
Corporation.
Ang Avila-Trevino Corporation ay ang kompanyang magkasamang itinatag ng mga abuelo nila ni Adam
na hindi kalaunan ay ang mga ama nila ang namahala. It was one of the country’s oldest and largest
conglomerates with a diverse business interests in automotive, transport infrastructure, electronics and
business process outsourcing. Sina Adam at Dean ang siyang nagtatrabaho sa AT Group Subsidiary,
sa ilalim ng AT Automotive Holdings Corporation, an automotive dealership company in the Philippines
kung saan si Adam na ngayon ang siyang presidente.
Malawak ang sakop ng Avila-Trevino Corporation. Bilang legal na ampon ng mga Trevino ay maraming
pwedeng pamahalaan roon si Dean lalo pa at hindi naman nakialam si Selena sa pamamalakad roon
dahil bata pa lang siya ay wala na sa pagnenegosyo ang puso niya. Ang pagiging Fashion Designer na
ang talagang inasam niya.
Minsan nang tinanong ni Selena ang kanyang ama ng tungkol sa posisyon ni Dean sa korporasyon
pero ayon rito ay napagdesisyunan na raw iyon ng pamilya Trevino. Ngayon ay lumalabas na mukhang
hindi lang si Dean ang misteryoso kundi ang mismong pamilyang kinabibilangan nito.
Naipilig ni Selena ang ulo. Bakit ba pati iyon ay inaalala niya pa? Magiging mag-asawa na rin sila ni
Adam kaya walang dudang matutuklasan niya rin ang hiwagang bumabalot sa pamilya nito pagdating
ng tamang panahon lalo pa at bente-singko na siya ngayon.
Walang nabago sa napagpasyahan ng kanilang mga magulang ni Adam. Kahit pa naaksidente si tito
Bernardo at hanggang ngayon ay comatosed pa rin sa ospital ay ipinipilit pa rin ni tita Leonna na
matutuloy pa rin ang kasal nila ni Adam.
Anim na bwan matapos ang kaarawan ni Selena ay matutupad pa rin ang pinapangarap niya dahil
itatakda pa rin ang kasal nila ni Adam. Kung may dapat man siguro siyang ipagpasalamat sa mga
nangyayari, iyon ay ang kaalamang hindi na niya nabalitaang nagkaroon pa ng ibang karelasyon si
Adam sa ibang babae. Ang nasaksihan niya noon sa kwarto nito noong disi-sais anyos siya ang naging
una at huli kaya hindi niya na inungkat pa ang bagay na iyon.
Pero tulad ng kasunduan ng kanilang mga magulang ay wala ring nabago sa sitwasyon nila ni Adam.
Dahil nananatiling nakasara ang puso nito para sa kanya. Nananatiling si Selena lang ang
nagmamahal sa kanilang dalawa. Bihirang maglaan ng oras ang binata para sa kanya at madalas,
pakiramdam niya ay parang napipilitan lang ito na gawin iyon. Pero umaasa si Selena na isang araw
ay matututunan rin ni Adam na ibalik ang pagmamahal niya para rito sa oras na maikasal na sila.
Napahugot si Selena ng malalim na hininga sa naisip. Tumayo siya at inilang-hakbang lang ang
divider. Inabot niya ang regalo sa kanya ni Dean at inalis ang balot niyon. Napasinghap siya nang
tumambad sa kanya ang isang hindi kalakihang painting… na siya mismo ang subject. Napakaganda
niyon. Sinuman ang gumuhit niyon ay napakahusay ng mga kamay hindi dahil sa siya ang naroroon
kundi dahil kuhang-kuha sa painting ang mga bagay na nawawala sa kanya ngayon.
Si Selena ang nakaguhit roon pero parang napakalayo niya na ngayon sa babaeng nakikita niya roon.
Dahil nangingislap ang mga mata niya roon, may nakaguhit na matamis na ngiti sa mga labi at
mababakas roon ang kompiyansa niya sa sarili… hindi tulad ngayon. Sa ulo niya ay mayroong
nakapatong na korona na gaya ng sa isang prinsesa.
Nag-init ang mga mata ni Selena. Marahang iniangat niya ang painting. Kumunot ang noo niya nang
may mapansin na nakatuping papel na bumagsak mula sa likod niyon.
Nagkamali ako. Hindi isang anghel ang nakita ko noon sa mansyon. Kundi isang prinsesa. But that
princess has this habit of forgetting who she was, of forgetting the crown in her head. Kaya sa espesyal
na araw na ito, ako ang hihiling para sa kanya. May she remember that she was a princess who needs
to be cherished. May she remember to put a real smile back on her face. And may she stop being hurt
one day. Happy birthday. –Dean
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Selena sa nabasa. It was the exact gift she needed. And
Dean’s words were the exact words she needed. Ayaw niya mang aminin pero si Dean, mula noon
hanggang ngayon ay para bang alam na alam kung paano siya pakakalmahin.
May mga pagkakataon pa ngang pakiramdam ni Selena ay mas kilala pa ni Dean ang kanyang sarili
kaysa sa kanya. Na mas alam pa nito kung ano ang mga kailangan niya kaysa sa kanya gaya na lang
nang mga sandaling iyon. It was always the sincerity in his words and the compassion in his eyes…
mga bagay na hirap na hirap siyang makita kay Adam.